Ano ang Feng Shui (Punsoy)?

Malapit na naman ang Chinese New Year. Marami na naman ang magpapa-punsoy. Pinapaniwalaan ng marami na ang punsoy (feng shui) at isang paraan upang maakit ang suwerte. Subalit ano nga ba ang kahulugan nito? Ano ang punsoy?

Napapansin mo ba kung gaano kagaan ang iyong pakiramdam matapos makapag-spring cleaning sa iyong lugar sa iyong tahanan?

Iyan, "in a nutshel", ang kahulugan ng Feng Shui sa iyong buhay. Kung direkta nating ita-translate, ang ibig sabihin ng Feng Shui ay 'hangin at tubig (wind and water)'. Subalit ang mas madaling interpretasyon nito ay nagsasabi na ang Feng Shui ay art of placement (sining ng paglalagay ng mga kagamitan o bagay-bagay sa wastong pamamaraan), o art of manipulating ng mga lugar o espasyo sa loob ng iyong tahanan upang mapataas at mapalakas ang chi (enerhiya) para maka-attract ng pag-ibig (love), kayamanan (wealth), at panghabambuhay na kaligayahan (lifelong happiness), na kung iisipin mong mabuti ay mayroon din namang katuwiran.

Napansin mo rin ba na kapag mahirap buksan ang iyong pintuan ay para ring pakiramdam mo ay nahihirapan kang pumasok o lumabas ng iyong silid o bahay? O kaya kapag pumasok ka sa isang bahay na mayroong mahaba at madilim na hallway bilang entryway ay nakararamdam ka ng kaunting negatibong enerhiya? Para sa bawat situwasyong nabanggit ay mayroong mga solusyon ang Feng Shui - na ang ibig sabihin ay may mga paraan para i-update ang iyong lugar o espasyo sa pamamagitan ng kulay, kasangkapan o mga enhancement - na nagbibigay ng remedyo sa lugar na may 'affliction' o diperensiya.